Chitika

About Me

Ako'y isang hamak na Bading na Kolboy lang na nagwo-work sa Bonifacio Global City. Di ako kasing ganda ng mga Dyosa at di ko bet sumali sa mga beauty contest. Idol ko si Louie Cano at gusto kong maging isang tunay na Pamhinta!

Mahilig ako sa pelikula, boybands, DotA, mag-bike, mag-swimming at magbasa ng mga libro at ng blog ni Migs, ang nag-iisang Manila Gay Guy. Nag-aaral din ako ng HTML at gusto kong kumuha ng Master's Degree in Blogging (using Blogger kasi di ko keri ang Wordpress). Aminado ako, 'di ako magaling mag-gay lingo. Pero bet ko talaga maging isang mahusay na gay linguist!

Balak ko ring sumali sa anumang samahang na magsusulong ng Civil Partnership Act sa Pilipinas (suntok sa buwan). Swerte ko na kung maabutan ko sa lifetime kong ito na magkaroon ng ganitong batas sa Pinas. Wish ko lang. Mahal kasi pumunta ng Holland or Sydney para lang magpakasal noh. Syempre, bet ng madaming bading ang mag-catwalk sa simbahan ng naka-gown (pero gusto ko naka-tuxedo kami parehas ng jowa ko).

Yung lang. Sana tulungan n'yo pa me maging isang mahusay na gay blogger sa pamamagitan ng inyong mga comments. At tulad ng laging sinasabi ni Migs,I say again, "World Peace!"

cityblis

ShareThis

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...